Hygiene pouch

Usapang hygiene at coronavirus prevention naman tayo at para na rin sa iba pang posibleng panggaling ng mga sakit dahil sa ating pagiging pabaya sa ating kalusugan.

Hindi po ako expert o isang medi­cal professional para magbigay sa inyo ng mga pointer­ sa kung paano maiiwasan ang coronavirus.

Pero po sa aking palagay, dapat talaga taong maging aware sa deadly disease na ito at sa iba pang virus na kumakalat sa hangin, sa tao at sa mga hayop.

Ako po, hindi umaalis nang bahay na hindi kumpleto ang aking hygiene pouch.
Unang-una sa akin ay ang pagdadala ng hand sanitizer gel at alcohol na at least ay 70 percent.

Kung issue po noon ang paghuhugas ng alcohol sa maraming pagkakataon, ngayon po talaga ay kailangang-kailangan sa panahon ngayon.

Importanteng laging naghuhugas ng alcolohol pagkaraan lagi ng isang oras para mapanatili ang pagiging malinis ng ating mga kamay.

Lagi tayong magbaon ng face masks sa bag para sa hindi maiiwasang mapunta tayo sa isang public places lalo sa mga airconditioned establishment para hindi tayo makalanghap ng mikrobyo o virus na hindi kayang labanan ng ating resistensya.

Pag may pagkakataon, maghugas ng kamay sa mga comfort room at saka sundan ng alcohol para makasiguro.

May mga nabibili pong mga alcohol na hindi nakaka-dry ng skin sa mga drugstore, supermarket at grocery.

Ako ay isang ina, kaya nga sa tuwing uuwi ako ng bahay bago ko pa man puntahan ang aking anak na si Amanda at yakapin, I made sure na sanitized na ang aking kamay.

Hindi po nabibili ang kaligtasan pero maagapan natin ito sa tamang paglilinis ng katawan at pagi­ging aware sa lahat ng sandali.

Ugaliing uminom ng maraming tubig, kumain nang masustansyang pagkain para mas lumakas ang resistensya.

Laging uminom ng vitamins para dagdag lakas sa ating resistensya.
Kung wala rin lang namang importanteng gagawin sa labas, manatili na lang sa loob ng bahay.

Hindi ko lang magawa ang hindi rumampa sa labas lalo’t naghahabol kami ng oras para sa pagbubukas ng 2nd branch namin sa may Molito Alabang ngayong Valentines Day.

Salamat sa inyong pagtangkilik sa aming kolum at sa Abante Tonite.