Miss mo na ba ang favorite coffee shop mo? Pero ‘di ka makalabas dahil sa community quarantine? Problem no more, puwede ka nang gumawa ng sarili mong kape with a creative twist.
Presenting the Dalgona coffee! Hindi mo na kailangang pumunta pa sa South Korea para ma-experience ang espesyal na kapeng ito dahil siguradong nasa kusina mo lang ang ingredients.
Paghaluin lang ang tig-dadalawang kutsara ng instant coffee, asukal, at mainit na tubig sa isang bowl para sa iyong dalgona whip. Tapos haluin ito gamit ang whisk hanggang sa ma-achieve ang parang whip cream na consistency.
Maglagay ng yelo at fresh milk sa isang baso at ilagay sa ibabaw ang dalgona whip at i-enjoy ang South Korea’s frothy coffee vibes sa iyong bahay.
Mabilis na nagtrend ang Dalgona coffee sa social networking sites gaya ng Instagram, Twitter at pati sa TikTok dahil super dali ng preparation nito.
Sinimulan ng mga celebrity ang pagbida sa kani-kanilang version ng Dalgona coffee tulad na lang ni Erwann Heussaff na gumamit ng Milo at egg yolk para sa mas flavorful at thicker Dalgona whip.
Matapos nito’y libo-libong posts na ang naglabasan mula sa netizens na pinapakita kung paano nila ine-enjoy ang kapeng ito.
May mga parukyano ring disappointed dahil hindi raw nila na-achieve ang texture na gusto nila ngunit siguradong ita-try muli hanggang sa makuha na ang perfect mix for Dalgona coffee. Ika nga, try and try until you succeed.
Ang sa akin lang – lahat ng sobra, nakasasama. Kaya hinay-hinay lang sa pag-inom ng kapeng ito. Siyempre, may caffeine pa rin ito na maaring maging sanhi ng insomnia, LBM, at muscle breakdown. Mahalagang i-balanse pa rin ang intake ng kape at patuloy na maging healthy ngayong quarantine period. (with inputs from John Rey Ibañez)