Hyperbole

Dear Editor,

Sang-ayon ako kay Alba­y Representative Lagman na malamang ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pakikipaghiwalay ng Pilipinas sa Amerika ay isa lamang “hyperbole”. Nabanggit pa ni Rep. Lagman na biro lang ng Pangulo ang naging anunsyo at katulad din daw ito sa mga nauna niyang pahayag.

Bagama’t may nega­tibong implikasyon ang naging pahayag ng Pa­ngulo ayon sa ilang senador dahil US ang isa sa may pinakamaraming Pilipino na naninirahan ganoon din ng malaking pinanggaga­lingan ng foreign exchange remittances.

Hindi naman masama kung aminin ng Pinas na hindi pa kayang ganap na putulin nito ang ugnayan­ sa mga tradisyunal na ­security at economic allies­ kagaya ng US. Marahil ay sinusuklian lang ni Presidente ­Digong ang mabu­ting ipinakita ng mga Intsik sa pagbisita niya sa China. Sana nga ay win-win solution­ ang kalabasan ng pagdalaw ng Pangulo doon lalo na sa usapin ng West Philippine­ Sea dahil umaasa ang mga Pilipino na hindi na ­magiging squatter sa sariling teritoryo.

IMELDA M. ALVAREZ

***

Dear Sir:

Bukod tanging China lang daw ang hindi kumondena sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga. Ang Amerika maging ang European Union ay wala na umanong ginawa kundi ang kuwestyunin ang kanyang ginagawa.

Nagpapasalamat umano ang Pangulo sa tahimik na pagtulong ng China sa Pilipinas kaugnay sa ipinatayong rehabilitation center sa Fort Magsaysay, Palayan City sa Nueva Ecija. Sana ay hindi lamang ito isang taktika ng China para makuha ang loob ng Pangulo. Dahil sa totoo lang sa China rin naman halos nanggagaling ang mga iligal na droga, sana mag-isip palagi nang mabuti ang Pangulo sa kanyang mga hakbang.

Nawa’y hindi ito isang patibong lamang upang ­tuluyang makuha ang ­tiwala ng Pilipinas sa mga tunay na adhikain ng bansang matagal nang nakiki­pag-agawan ng teritoryo sa atin, bansang nagpalaganap ng mga iligal na droga sa ating bansa.

JERSAN R. ARGUILLES
Mindoro