Isang pamosong linya sa kanta ng yumaong Freddie Mercury ng Queen ang nasa itaas na linyada.
Nakakatuwang pakinggan ito lalo ngayong nagbabalik ang kausuhan ng mga bisikleta.
Nagkalat sa lansangan ang mga naka-road bike, mountain bikes at iba’t iba pang shapes and sizes.
Panahon ng aking kabataan, natatandaan kong niregalo sa akin ng aking mahal na mga magulang ay bisiletang pambata.
Animo’y artista ka’t nakasunod ang kapwa kong mga bata noon sa aming probinsya saan man ako umikot sa maliit naming bayan ng Sulat, Eastern Samar.
Noon po ‘yun.
Ngayon, kahit saan may makikita kang mga naka-bike. Babae’t lalake, matanda’t bata, tropang barkadahan.
Kung saan-saan nakakarating pa silang bikers magpa-hanggang Baguio mula Manila.
Katunayan, ito ang magandang panlaban sa gitna ng walang puknat na namang pag-igkas pataas ng fossil fuel.
Ang diesel sa ngayon ay mahal na kada litro at higit pa riyan ang presyo ng gasolina.
At may nagbabadya pang panibagong oil price hike.
Ito lang ang magandang nakikitang isang magandang paraan ng Moto Rista na panlaban sa oil price hikes.
At maliban pa riyan, pure energy ehersisyo sa kung sino mang nahihilig sa bisikleta.
Kamakailan lang, tagaktak talaga ang pawis ko sa kakalabas-masok sa village dito sa Avida Sto. Tomas hanggang palengke.
Nito lang din, kinailangang dalhin ang sasakyan sa talyer ngunit gabi pa raw matatapos ang pagkumpuni sa isang faulty wiring na umuubos ng baterya.
Buti na lamang nariyan ang aking dependable mountain bike na isinakay ko sa sa likuran kung kaya’t malaya akong pumadyak papauwi sa bahay na may halos limang kilometro pa ang layo.
Tanaw ko na ang bahay nang pumatak ang pawis ko na lalong nagpasarap sa pakiramdam. Ngunit dahil umaambon-ambon, itinuloy ko na sa ligo para iwas lagnat.
Kaya natin ito isinulat upang makahikayat pa ng ibang motorista riyan na minsan lumanghap ng hanging puro hindi galing sa aircon ng sasakyan at enerhiyang puro din, na galing mismo sa purong lakas.
Padyak pa more. Tamang ingat lagi.
To God be the Glory!