May mga obserbasyon sa showbiz na kinabog na ni Ian Veneracion si Richar­d Yap since sila ang parang pinagtatapat nga­yon when it comes to doing lead roles at pagiging sikat in their 40s.

Pero ayon kay Ian mismo, hindi raw ganito ang kanyang pananaw.

“Ako, personally, I don’t use that as basis, eh,” pahayag ni Ian nang makatsikahan namin siya last Monday for his ‘Ian in 3 Acts’ concert featuring LA Santos. “Kasi, for example, I love my job as an actor, obviously. I love working with different people. I love telling stories, doing scenes, and some shows napapansin, some shows, hindi napapansin. That’s beside the point, actually.

“You don’t do these things to become rich and famous. Because obviously, it’s for the wrong reasons. You do it because you love doing these things. And if it so happens to make you famous, eh ‘di good. If it happens to bring money in, eh ‘di good. Pero it’s the wrong motivation for anything, I think. Even paintings or music or anything, you do it because you love doing it.”

Ang lahat ng kasikatan at atensyon na tinatamasa niya ngayon ay hindi naman daw niya iniisip dahil para sa kanya, pareho pa rin naman daw ang buhay niya noon at ngayon.

“I drive the same car, I’m living in the same house, I have the same wife, the same kids. I play the same guitar ever­y morning, I ride the same motorcycle. It’s the same.

“‘Yun nga, parang siguro, nagbabago lang ang perception sa ‘yo ng ibang tao. ‘Pag kunyari, click ang show mo ngayon or hindi click ang show mo ngayon. Parang ‘yung perception sa ‘yo nagbabago, pero ikaw, wala naman talagang diprensiya sa ‘yo, eh,” he said.

Ang medyo parang nagbago raw ngayon, ayaw na raw siyang makasama sa labas ng wife and kids niya, obviously because of all the attentions people are giving them now.

“For example, ‘yung wife ko, aayain ko sa ganyan, ‘Huwag na lang, pa-deliver­ na lang, bili na lang’ or something. Kasi ‘yun nga, ‘pag may moments na you wanna spend together, how can you spend together it there are other people goin­g in between.

“So, I totally understand that and I don’t blame her for not being used to it because hindi naman siya showbiz. So, even my kids are like that,” sey pa niya.

Epekto nga ng kasikatan ni Ian ngayon ay ang mga bagong oportunidad na dumarating tulad ng pagbibi­gay sa kanya ng Dreamwings Productions ng first ever major solo concert titled Ian in 3 Acts which was first successfully held at Waterfront Hotel, Cebu last April 21.

Ngayon ay sa Manila naman gaganapin ang Ian in 3 which wil be held on May 13, 2018, 8pm sa Newport Performing Arts Theater at Resorts World Manila.

Bukod kay LA Santos, makakasama rin ni Ian bilang guests sina Jaya , Jona Jong Cuenco with musical director Lean Inigo and stage director, Mike Alcazaren.

Sofia ginamit sa panloloko

NANAWAGAN si Sofia Andres sa kanyang Instagram para ipaalam na wala siyang Facebook account at isang poser niya lang ang gumagamit nito using her identity.

“Hi everybody! Just to remind you that I have no Facebook so if you guys are talking to someone that uses my identity, pls pls be aware. It is not me. If you want to reach out pls just DM me here on Instagram,” ang post ni Sofia sa kanyang IG Story.

Nakiusap din ang young actress sa poser na itigil na ang paggamit sa kanya.

“I hope this poser of mine will stop using me. It is okay to support as a fan but stop pretending that you are like the real one. Pls res­pect the people that follows (sic) you. If you are reading this stop it pls,” ang pakiusap ni Sofia.

May nagparating din sa young actress na may poser­ din siya sa Bigo Live na isang live streaming app on Google na pati boses daw niya ay ginagaya kaya mara­ming napepeke.
Madalas daw makita ng mga netizen na naka-live ang poser niya at naka-black lang daw ang screen at boses lang ang maririnig.

“I don’t have a BIGO LIVE, I don’t even know that app,” ang post pa ni Sofia.

Aniya pa, “I know that having a poser in this industry is normal but fooling someone isn’t. Please stop this.”

Ayon naman sa isang netizen, dapat daw ay mai-report ang account dahil baka maniwala raw ang mga tao na si Sofia nga ang kausap nila.