Ang diva that you love, magiliw na pagyakap ang tinanggap mula kay Ian Veneracion, not once, but twice, huh!
Unang yakap, pagkakita niya sa akin nung lumalapit siya sa entertainment press na dumalo at imbitado sa press payanig para sa concert niya sa Waterfront Cebu, ang Ian In 3 Acts na ipapalabas sa Abril 21.
Nakaupo at mula sa aking likuran, ang pagyakap niyang magiliw na siempre pa, kilig to the bones ang feeling. Sinabi niya pa sa akin, “Long time, no see ha. Sa Facebook ko lang nakikita ang mga nangyayari sa iyo. Ang dami mong boylets! Hahahaha.”
Sa aming panayam, ang pahayag niya, “Every time I know you will interview, you make me nervous,” panimula niya na may kasamang matamis na ngiti.
Guapong-guapo si Veneracion, cleanly shaven, at kahit kunyari, ninerbiyos, game na game sa chikahan.
Una niyang pag-amin, “Yes, I do sing in the shower, lahat naman yata tayo ganun, hahahaha!”
Paborito niyang kantahin ay, “Kung ano na lang ang nasagap mo bago ka pumasok sa bathroom. Mostly love songs eh. Minsan, nga pati yung bass guitar, yung tunog nun sa kanta, ginagaya ko.”
Para naman sa kanyang mga naging leading ladies, ang kanyang mga iaalay na kanta para kay Iza Calzado, “You Are So Beautiful, yung kay Joe Cocker!”
Kay Bea Alonzo, “I made a song for her, nasa phone ko, hindi nya pa naririnig yun. May title na, pero saka ko na lang sasabihin, pag naririnig na niya.”
Si Angelica Panganiban naman, “Dapat sa kanya yung medyo crazy. Bagay na bagay sa kanya yung Nothing Compares To You ni Sinead O’ Connor.”
Sa nag-iisang si Jodi Sta. Maria, “ Ah, yung kay Sting, My One and Only Love, piano lang yun, medyo old school jazz, classy kasi yung song.”
Para sa kanyang wifey dearest na si Pam, ang kanta niya ay, “I Miss You The Most, I wrote the song for her, my birthday gift”
Dagdag kwento ni Ian, “Nung buntis si Pam, lahat ng mga anak, nu’ng nasa tiyan pa sila, nagpi-piano ako for them. Pampatulog ni Pam. Pag tulog na siya, lalabas na sana ako, tapos, biglang magigising, sasabihin, ‘saan ka pupunta?’ Siempre, piano ulit. Hahaha!”
May breakup playlist ba siya? Masayang sagot ni Veneracion, “Wala. Saka wala pang playlist nun, Ang uso, casette. Saka walkman! Yung casette nga di ba, ang pang-rewind pa, ballpen! Hahahaha!”
Patuloy ni Ian, “Yes, I had my share of heart breaks. Ang national anthem ko nun, Foolish Heart, lahat naman tayo, naging anthem iyan. Hahahaha. Hindi naman ako lumigaw sa marami. Minsan swerte, sinasagot ako. Minsan, babastedin ka nila.”
Ang kanyang state of mind tungkol sa Ian In 3 Acts, “HIndi ako kinakabahan sa performance part. I am so ready for it. Gung ho na ako! Gusto ko nga bukas na! Game na! Pero, sa kabilang banda, may kaunting pagtataka if may bibili ba at manonood.”
Paliwanag ni Ian, “I’m comfortable with the performance. I cannot blame kung skeptical yung iba kasi nga, they might think na I am just one of those actors is who pretending to be a singer. I don’t blame them thinking that way, What I can promise is that ang dami kong kantang gustong i-share, give me a chance and I guarantee you a goodtime.”
Ang mga kantang tiyak na maririnig sa concert ni Ian ay ilan sa mga pinakasikat na awit nina Joe Cocker, Cat Stevens, Christopher Cross, Phil Collins, Eric Clapton at yes oh yes, kakantahin niya ang isa sa pinakaborito niyang kanta ni Sting, ang Englishman in New York.
Sabi ni Veneracion, “I love the song so much kasi para akong alien, when it comes to the world of singing, every thing is new to me, and mula sa telebisyon at pelikula, I am being led sa concert stage, so para akong British, na medyo uptight na biglang mapupunta sa New York na exhilirating at exciting.”
Special ang Ian In 3 Acts para kay Ian kasi, “It takes a lot of confidence to do this in public, it’s personal to me. My my music, how I want it done, hindi lang siya pacute side of me, what they will hear, is my artist side of music. Even if they are covers, may sarili akong stamp sa mga kanta.”
Kasama rin ni Ian, bilang featured artist ang mahusay na baguhang mang-aawit, si LA Santos.
Matapos ang panayam sa mabunying aktor, siempre pa, ang magiliw niyang pagyakap muli at pamamaalam with matching, “See you soon. Sana makapanood ka concert pag ginawa na sa Manila.”
Naman! Sure na sure na manood ako.