Ni: Vinia Vivar

Matagal nang pangarap ni Ian Veneracion ang maka-collaborate ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez and it’s finally coming true sa kanyang upcoming concert na “Ian: In Colors” kaya naman sobrang excited ang aktor.

“I really look forward to that,” sabi ni Ian nang makatsikahan namin siya sa pocket presscon para sa naturang concert. “Actually, ‘yung mga kasama ko sa band, nang sinabi ko sa kanila na ‘alam n’yo, kung sino ang willing mag-guest sa atin?’ sobrang na-excite sila.”

Baka nga raw sa duet nila ay hindi na siya makakanta at mag-enjoy na lang siyang panoorin si Regine.

“Kung puwede lang, mas gusto kong i-enjoy ‘yung moment, lalo na ‘yung live song, tapos ang ganda ng set-up, lights, ako mismo nai-enjoy ko ‘yun,” sabi pa ni Ian.

Natatawa nga niyang sabi, baka raw maging audience na lang siya ‘pag si Regine na ang ka-duet niya.

Regine will be guesting on the second night (July 12) pero hindi lang ‘yun dahil ang asawa nitong si Ogie Alcasid ang guest naman of the first night (July 11). Bukod dito, ang mag-asawa rin ang producer ng concert.

Pagbibiro pa ni Ian, sana raw ay huwag siyang ma-Patti Austin ni Regine which means huwag daw sana siyang ma-indian. Matatandaan kasing hindi sumipot ang nasabing sikat na international singer sa back-to-back concert nila sa Canada recently.

Walang balak mag-showbiz ang mga anak

Natanong nga rin si Ian kung wala bang planong mag-guest ang kanyang mga anak sa concert dahil malalaki na rin ang mga ito’t artistahin din ang mga looks especially the eldest son, Draco.

“‘Yung mga kids ko, wala silang balak mag-showbiz. Si Draco is now graduating. Tapos si Dids (Deirdre, her daughter) naman, she studies­ in Australia, pero uuwi siya, and she’s gonna be there at the concert.

“Pero sa kanila, sa tatlong kids ko, ‘yung bunso is 12 years old, ang mahilig sa music talaga is ‘yung daughter ko, si Dids. Mahilig sumulat ng songs. Actually, meron siyang 1 song na ginawa namin sa Wish Bus (radio program sa Wish FM) dati na napanood ni direk Mikhail Red and he insisted na gawin namin sa movie, sa “Block Z” na ginagawa namin now.

“So, ‘yun, may scene du’n na kinakanta ‘yung song na ‘yun kasi para sa kanya, bagay na bagay ‘yung lyrics du’n sa situa­tion,” ani Ian.

Speaking of “Block Z”, ito raw ang kasalukuyan ding pinagkakaabalahan ni Ian ngayon at malapit na raw silang matapos mag-shoot. Kasama niya rito ang JoshLia love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ibinalita rin niyang may bago siyang teleserye sa ABS-CBN at baka raw mag-start na sila this month though wala pa raw siyang masyadong maibibigay na detalye dahil secret pa. Pero first time raw niyang makakasama ang mga cast.

Guwapong aktor late bloomer

Maituturing ni Ian na “late bloomer” siya when it comes to singing dahil nga kailan lang siya nagsimula na mag-concert at kumanta sa stage. Although aniya, bata pa lang siya talaga ay music-lover na siya at tumutugtog na siya ng mga musical instrument.

Nagsimula raw na maipakita niya ang kanyang singing talent sa teleserye nila ni Bea Alonzo na “A Love To Last” in 2017.

“‘Yun nga, nag-start ako sa ‘A Love To Last’ that I had to, because ang role ko ru’n, composer, so I have no problems playing the piano or the guitar, pero nu’ng sinabi na ‘you have to sing.’ Sabi ko talaga, ‘patay!’ So, du’n na nag-start.

“And ‘yun nga, because it was a role as an actor, I had to be comfortable with it. And ‘yun, sumobra naman yata ‘yung pagka-kumportable ko, nag-concert-concert pa,” wika ni Ian.

One thing he discovered in having a concert, masarap daw pala mag-perform nang live at talagang sobrang happy raw siya kapag naa-appreciate ng audience ang kanyang performance.

Kaya raw ngayon ay talagang nae-enjoy na niya ang mag-concert.

When asked kung may plano rin bang mag-level up by releasing an album, ani Ian ay marami na siyang na-compose na songs at ang dalawa rito ay nai-record na niya last year at nasa Spotify na ngayon.

Of course, in the future, gusto rin daw niyang magkaroon ng full-length album.

Ano’ng nangyari sa panahon? — Joey de Leon

Pero ang isa pa raw sanang gusto niyang maka-collaborate or maging guest sa concert niya ay si Joey de Leon na as we all know ay nakasama ni Ian sa sitcom na Joey and Son noong bata pa siya. Dito siya nagsimulang sumikat at makilala bilang child actor at ito talaga ang “claim to fame” niyang maituturing.

Of course, ani Ian, talagang never niyang makakalimutan ang naging samahan nila ng kanyang tito Joey.

“Whenever I see tito Joey, ‘yun nga, lagi siyang hindi makapaniwala na parang ‘ano’ng nangyari sa panahon?’ Ang naaalala pa rin niya sa akin, nabubuhat niya ako, kumakandong ako sa kanya, tapos, tahimik lang ako.
“I’m always, always happy to see him, and sana, in the future, makagawa pa kami ng project together,” saad ni Ian.

Enjoy ‘di lang sa bayad

Natanong din si Ian kung ano ba ang mas financially rewarding sa pagiging aktor at pagiging concert artist, aniya ay hindi naman niya masabi pa dahil kakasimula lang nga niya sa pagkanta.

Pero one thing, ang naibibigay daw sa kanya ay instant gratification dahil may live reactions na agad mula sa audience.

“Unlike ‘pag gumagawa ka ng movie, months after, saka mo makikita kung ano ang feedback nila, kung ano ang comments nila. Sa TV, ganu’n din.
“Pero dito, kita mo agad, eh. Mararamdaman mo agad kung nag-enjoy sila or hindi.”

Aniya, hindi raw ito tungkol sa pera kundi doing what you love.
“I mean, I do music whether may nanonood or wala. Kahit pumunta ako sa ilalim ng puno, I play music because I enjoy it. It’s also a reward.”
Same thing as an actor, nag-i-enjoy rin daw siyang umarte at hindi naman dahil lang sa bayad.

“Ian: In Color” is presented by A-Team and will go onstage at Music Museum on July 11 and 12. Tickets are available at Ticketworld, Music Museum or A-Team at 0906-287-8049.