Ian nahihiya kina Bea at Jodi

ian-veneracion-

Nahihiya si Ian Vene­racion na imbitahan ang mga naging leading ladies niya na sina Bea Alonzo at Jodi Sta. Maria sa darating na concert niya ngayong Sunday, May 13, ang Ian In 3 Acts Featuring LA Santos sa New Performing Arts Theatre, R­esorts World Manila.

“Nahiya akong mag-invite kasi. Eh kasi kakanta ako,” sey ni Ian sabay-tawa.

“Hindi, sa totoo, nahihiya akong mag-invite ng mga kaibigan ko na actors, kasi nga, feeling ko, baka tumaas ang kilay nila, alam mo ‘yun? Na parang ‘pag sinabi ko na “I have a concert, eh,” baka du’n pa lang, sabihin nila, “Concert? Ano naman alam mo sa music?” ‘Di ba? May ganung . . . Nararamdaman ko ‘yun, eh. So, nahihiya akong mag-invite.”

Bukod dito, ayaw din niya ‘yung parang maobliga ang mga iimbitahan niya.

“And at the same time, baka . . . siyempre, ang da­ming magpapa-picture sa kanila, and baka maging. . .you know. Ayokong maobliga lang sila para lang pagbigyan ako and to support. I mean, it’s okay,” paliwanag ni Ian.

Pero sobrang excited daw siya sa upcoming concert at siyempre, this is a kind of show na gusto raw niyang mapanood ng family and mga close friends niya.

“Because it’s not . . . how do you say it? Hindi ‘yung basta-basta show lang na you know, napilitan ka lang pumili ng ilang kanta, tapos kakantahin mo na. Hindi ganu’n.

“Because of the whole concept, because of the flow, so gusto kong makita nila kaya lang nga, baka maging hassle for them, kasi baka, siyempre, mga celebrities, daming magpapa-picture sa kanila, ganito-ganyan, you know.

“So, ayoko lang na maabala naman sila,” sey pa ni Ian.

Actually, talagang pi­nag­handaan ng aktor ang very first concert niyang ito kaya nga divided ito in to 3 parts.

Sa first part ay makikita mga ballad and feel-good song ang ipe-perform niya tulad ng Jose Mari Chan medley and a lot more.

Sa 2nd part ay makikita naman ang Ian na hindi natin nakikita sa kanya which is the rock star side of him. Dito niya kakantahin ang mga song nina Eric Clapton and some surprises.
Sa Act 3, naman ay combination daw of both kung saan ay makikita ang pagi­ging aktor niya and a performer.

The show starts at 8pm and Aside from LA, also j­oin­­ing Ian on stage are guests Jaya and Jona. Musical director is Iean Inigo and stage director is Mike Alcazaren.

Young JV nagpapaaral ng mga anak ng sundalo

Ang magandang fa­mil­y background at ang pagmamahal sa edukasyon ang ilan sa mga naka-attract sa Megasoft VP for Sales and Marketing na si Mrs. Aileen Choi-Go na kunin ang aktor/composer and Urban Pop Artist na si Young JV Kapunan para maging newest brand ambassador ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Ms. Aileen, kung ang Escueta famil­y (Jolina Magdangal and husband Mark Escueta with baby Bele) ang endorser ng kanilang Super Twins Diaper, Myrtle Sarrosa for Sisters Sanitary Napkins and Ryle Santiago for Cherub Baby Product, si Young JV naman ang magiging mukha ng buong kumpanya.

“Over-all company siya. Hindi lang siya Sisters, Cherubs or Super Twins, siya ‘yung parang total package,” paliwanag ni Aileen.

Importante raw sa mga endorser nila ang may pagpapahalaga sa education tulad ni Young JV na nagpapaaral pala ng mga anak ng sundalo, being the son of a former soldier and now Ambassador to Myanmar Eduardo ‘Red’ Kapunan.

Sa pamamagitan ng La­hing Bayani Foundation ni Young JV, marami na siyang natulungang mga batang anak ng sundalo. He is actually now on his eight year of conducting outreach programs and granting scholarships.

Nag-aaral din ng Communication Arts si Young JV nang matigil sa pag-aaral dahil sa showbiz pero balak daw niya itong ipagpatuloy.

“I want to go back to school for myself and my parents who really would want me to have a diploma,” pahayag ni Young JV.

Bilang parte na ng Mega­soft Hygienic Products Fa­mily­, mag-iikot na rin si Young JV sa mga probinsiya para mag-promote. Sa May 17 ay nasa Gaisano Grand Antique siya, sa June 14 naman ay sa Butuan City for the Naliyagan Festival at sa July 16 ay sa Ororama Carmen, Cagayan de Oro City.