Sabi ng iba, kaya daw tayo binigyan ng braso ni God ay para magamit natin ito sa pamamagitan ng hug.
Gaano nga ba kahalaga ang isang yakap at ano ang benepisyong naidudulot nito?
Ayon sa isang prof ng child psychiatry, isa sa pinakamagandang paraan ng pagpapalaki sa bagong silang na anak ay ang busugin ito sa yakap.
Ayon nga kay Princess Diana, hugs can do great amounts of good – especially for children.
“A hug communicates support, security, affection, unity, and belonging.” Hindi sapat na gampanan lang ang pang-araw araw nilang pangangailangan. A hug touches the soul,” paglalahad ng isang psychiatrist.
Sa pag-aaral na isinagawa ng mga psychotherapist, mahalagang yakapin araw-araw ang mga mahal sa buhay dahil mas nararamdaman ng mga ito ang mainit na pagmamahal.
Bukod dito ay nagpapalakas ito ng immune system. Sa pag-aaral ay lumitaw din na kapag niyakap ang isang tao ay nakakapagpalabas ito ng oxytocin – isang hormone na nagdudulot ng kapanatagan ng kalooban.
Higit sa lahat, nagpapalakas ito ng loob at tiwala sa sarili lalo sa mga taong depressed, nag-iisa at pakiramdam ay walang kakampi. (ME)