Hindi maikakailang malaking bentahe pa rin kay Sen. Grace Poe ang pagkakaroon ng amang aktor na si yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) kaya siya ang laging nangunguna sa mga survey para sa nalalapit na midterm elections.
Muling pinatunayan ni Poe ang pangunguna sa mga survey nang siya rin ang mag-topnotcher sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Research Inc. kaugnay ng 2019 Elections Senatorial Preferences nitong Disyembre 14-21, 2018.
Bago ito, si Poe rin ang No. 1 sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Nobyembre 12-18, 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong Nobyembre 7-17, 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Disyembre Disyembre 16-19, 2018 kaya nakatitiyak si Sen. Grace Poe na magiging topnotcher sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13.
Para kay political stratategist Perry Callanta ng Strategic Training, Organizing and Research Management (STORM) Consultants, malaki pa rin ang hatak ni Fernando Poe Jr. (FPJ) sa kandidatura ni Poe lalo sa Visayas at Mindanao.