Ibahagi ang good news

For the record by Jeany Lacorte

Nakakatuwa ­naman itong si Maj. Gen. Guillermo­ Eleazar ng National Capital Region ­Police Office (NCRPO) chief na nakiusap sa publiko partikular sa ­tinatawag na millennials na ibahagi rin ang mga kuwento ng kabutihan o kabayanihan ng mga kagawad ng pulisya sa social media.

Ito aniya ay para higit pang lumakas ang paglilinis­ at pagbabalik sa integridad at tiwala sa puwersa ng ­Philippine National Police (PNP).

Sabi nga ni NCRPO Chief, maraming ­kuwento ang NCRPO na nais nilang ­ibahagi sa publiko para ­magsilbing inspirasyon at maka­pagtaas ng moral at ­ipaunawa na kung may mga pasaway ay iilan lang sila.

At ang mga pasaway na ito ay dinidisiplina na at sinasampahan ng kaukulang aksyon para umayos.

Ibinida rin ni ­Eleazar na ang NCRPO ay aktibo na sa social media kung saan ay ­namo-monitor ang matitino at ­kalokohan ng kanilang mga tauhan.

Sang-ayon tayo sa apelang ito ni NCRPO Chief para na rin ­maging aware ang publiko na halos karamihan ay naniniwala na sa mga nababasa sa socmed.

Tama nga ­namang matuto tayong magba­hagi ng mga naoobser­bahan nating ­kabutihang ginagawa ng mga tauhanng PNP.

Kadalasan kasi ang nagti-trending sa ­socmed ay mga kalokohan­ ng mga pulis.
Dahil sangkot sa kalokohan ang kuma­kalat na video o ­larawan, ­matinding ­pang-aalipusta ang inaabot­ nito sa publiko.

Kaya para sa kaalaman na rin ng marami, mabuting i-share din sa socmed ang good deeds ng mga pulis na ating natutunghayan sa pagbababad natin sa social media.

Hindi naman na ­siguro kalabisan o kawalan sa atin kung bigyan natin ng maiksing panahon ang ganitong klase ng mga videos sa socmed.

Nakatulong na tayo sa PNP ay nakapagbahagi pa tayo ng ­magandang kuwento sanating mga kababayan para maghatid­ ng ­inspirasyon.

Ang saya kaya ng nakakabasa sa socmed ng magandang balita dahil sa dami ng negatibong balitang bumubungad sa atin kadalasan.

***
When it rains, it pours! Kaya inuulan na ng kasong libelo ang kilalang kolumnistang si Ramon Tulfo.

Pinakahuling naki-trending sa ­pagsampa ng kaso laban kay Tulfo si dating Justice ­Secretary Vitaliano Aguirre. Ang kasong­ isinampa ni ­Aguirre ay dahil sa kolum ni Tulfo noong Abril kung saan tinawag nito ang dating kalihim bilang protektor ng human ­trafficking ­syndicate sa Ninoy ­Aquino International­ Airport.

Kasama rin sa kaso ang kolum ni Tulfo kung saan sinabi nitong tumanggap ng pera si Aguirre sa ­human trafficking s­yndicate kahit wala na ito sa puwesto­ at dalawa pang kolum kung saan muling binanatan ni Tulfo ang dating kalihim na isinabit din nito sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang lotto. Sinabi ni Tulfo na ginawa ito ni Duterte para ma-accommodate ang ilang tao kasama si Aguirre.

Kung kami ang matatam­bakan ng kaso siguradong magmuni-muni kami. Hanapin at itama ang mali.

Huwag maging ­kampante sa kasikatan ng pangalan. Ang libel ay hindi medalya ng kara­ngalan. At tandaang ang pagiging mamamahayag ay may kaakibat na ma­laking responsibilidad!