Bawal mag-gym sa labas? E ‘di sa loob!
Ito ang naisipang gawin ni Toronto Raptors veteran Serge Ibaka para tuloy pa rin ang kanyang pagwoworkout.
Dahil winarningan ang mga NBA player na mag-home quarantine na lang muna o iwasang lumabas ng bahay matapos mahawaan ng virus ang ilan sa kapwa nila NBA players, nagtayo na lang ng sariling gym area sa loob ng sariling bahay ang CongoleseSpanish player. @ s e r g e i b a k a : “Built my own little gym at home during the self quarantine… need to stay in shape!” Kasabay nito ay nangaral pa ang 30-anyos na power forward ng Raptors.
“I hope everyone is staying safe, following the experts advise and keeping positive and calm. Description: (praying hands emoji),” paalala pa ni Ibaka sa kanyang Twitter account habang tigil-aksyon rin muna ang liga. (Aivan Episcope)