Dear Sir:
Ang speech ni Pangulong Duterte sa opening ng Palarong Pambansa sa Antique ay tumutukoy na ang Reserve Officers’ Training Corps or ROTC ay kinakailangang sapilitang ipakuha sa mga estudyante sa kolehiyo. Kailangang matuto ang mga kabataan na humawak ng baril, marunong magmaniobra sa larangan ng bakbakan upang idepensa ang bansa laban sa mga nais sumakop nito. Ayon pa sa Pangulo, ang kabataan ay kailangang marunong magdepensa sa kanyang sarili dahil walang taong magkukusang idepensa ang ibang tao. Walang tutulong sa pagdepensa sa sariling bansa. Kundi ang kabataan ang tanging makakadepensa at mamatay sa pagtataggol sa inang-bayan. Dahil ang mga matatanda ay wala nang kakayahang sumabak sa digmaan. Diyan lamang sila bilang gagabay sa bawat hakbangin ng mga kabataan.
Kaya dapat lang na ibalik ang ROTC.
BARBARA A. ALBA
Muntinlupa City
***
Dear Sir:
Napag-alamang tatlo ang Indonesians at isa ang Malaysian na kasapi ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group ang kabilang sa mga napatay ng militar. Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año na ang apat na dayuhang terorista sa 37 bandido na napatay sa Lanao del Sur. Patuloy ang follow up at mopping up operations ng pinagsamang pwersa ng Army, Navy at Air Force nang atakihin ang teritoryo ng Maute terror group sa Piagapo.
Pursigido ang Hukbong Sandatahan na lagasin ang mga rebeldeng grupo, hindi lamang ang Abu Sayyaf at NPA. Lahat ng banta sa seguridad sa ating bansa at sa ating mamamayan ay buong sigasig na tinatrabaho ng ating kasundaluhan. Habang mayroon pang pagkakataon sana ay sumuko na ang miyembro ng iba’t ibang grupong lumalaban sa gobyerno.
DANA DEL ROSARIO
Camarines Norte