Ibang-ibang Mocha Uson ang bumungad sa social media kasunod ng pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ito ay sa kabila ng sangkatutak na pambabatikos na kanyang inabot mula sa netizens.
Sabagay hindi na nga naman bago kay Ms. Uson na mabatikos, na ma-bash.
Kaya naman labis-labis ang pagtataka ng inyong lingkod nang wala tayong mabasa sa social media na nanggagalaiting resbak ni Ms. Uson sa mga bumebengga sa kanya.
Sa katunayan ay madiplomasyang Mocha ang ating nabasa partikular sa maanghang na mensahe sa twitter ni Binibining Pilipinas International Maria Angelica De Leon patungkol sa naging appointment ni Pangulong Duterte kay Ms. Uson.
Aba’y sa kabila ng sangkatutak na pang-aalipusta sa social media na ibinato ni Ms. De Leon ay ganitong mensahe lang ang iniwan ni Ms. Uson kay Miss Philippines-International: Sorry po Bb. Pilipinas @mariaangelicadl Ill take note po of your tweets at pagbubutihin ko po para sa bayan at para sayo po. Salamat po mam.
Ang ipinakitang ito ni Ms. Uson ay maikukunsidera na nating isang magandang development na bagama’t maliit lamang sa napakaraming kuwalipikasyong hanap ng ating mga kababayan ay maaaring makapagdulot ito ng “change of heart” sa mga nagtaas ng kilay sa pagkakapuwesto ni Ms. Uson.
Kaya sana ay bigyan ng tsansa ng iba si Ms. Uson na ipakitang may “K” siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulo.
Pero ang akin ding apela sa mga followers ni Ms. Uson, ngayong nabigyan ng kapita-pitagang puwesto ang inyong iniidolo ay maghunos-dili na sana kayo sa paglalabas ng maanghang na komento.
Akin itong nabanggit dahil sa pinakahuling pamba-bash na inabot ni GMA-7 reporter na si Joseph Morong sa mga followers ni Ms. Uson.
Si Mr. Morong ay nagtanong kay Pangulong Duterte kung kaninong ideya ang pagtatalaga kay Ms. Uson sa PCOO.
Nagtanong po si Mr. Morong at sinagot naman ito ni Pangulong Duterte. Normal na senaryo sa isang press briefing.
Ganu’n po iyon kasimple at walang pangpapahiyang nangyari katulad ng interpretasyon ng ilang nagtatanggol kay Ms. Uson.
Kaya huwag na sanang pinalalaki ang isang isyung hindi naman karapat-dapat pang palakihin dahil lalo lamang itong magdudulot ng pagkakahati-hati imbes na pagkakabuklud-buklod ng bawat isa katulad ng hinahangad ng Pangulo para sa ating lahat.
BASTA KAMING MAKA-DUTERTE EH TULOY LANG ANG PAGHIM0D SA PWET NI DIGONG HAHAHAHAHAHAHA
Ronaldo sira ulo isama mo na rin paghimod sa peklat ni mocha,,,amoy melon yan….
HAHAHAHAHA
wala na tayong magagawa kasi sya ang pinili ng pangulo. sana lang gawin nya ng maayos ang trabaho nya. be respectable, igalang ang opinyon ng mga kritiko at huwag maging bastos gaya ng boss nya.
Susss magbabago p ba yan eh sagad sa buto ang kawalanghiyaan nyan