Ibang side ng mga atleta

Dahil sa epidemya na kumakalat sa buong mundo dulot ng COVID-19, nakita natin ang iba’t ibang side ng ating mga kinagigiliwang atleta sa Philippine sports.

Nandyan si Paul Lee na tunay ngang family man sa kanyang misis na si Rubie at anak nilang si Tokyo, ngunit lumalabas din ang pagkapilyo ng Magnolia star sa mga post nito na game sa pakikipaglambingan sa asawa.

Nakita ko rin ang ilang mga atleta tulad nina Jia Morado at Jio Jalalon na kapwa ginagawa ang kanilang makakaya para makatulong sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagdo-donate para sa mga frontliner.

Syempre ay lumabas din ang kulit ni Mika Reyes, na nag-throwback sa kanyang favorite UAAP Season 78 kung saan sila nagkampeon, at game din sa pakikipag-asaran sa mga dating kasama sa volleyball.

Speaking of trashtalkan, nasilayan din ng marami sa atin na talented din pala sa pang-aasar sina Thirdy Ravena at Dave Ildefonso na nakikisali sa nausong Facebook group na Big Four Trashtalkan.

Habang ang kapatid naman ni Thirdy na si Kiefer ay nakipagpalit muna ng sport sa dyowa niyang si Alyssa Valdez, na nag-practice mag-volleyball.

Ilan na rin ang nahumaling sa pamosong application na TikTok tulad ni Scottie Thomson, Mark Caguioa, Agatha Wong, at iba pang Pinoy athlete.