Iba’t ibang klase ng pabango

Every new scent has a diverse story to tell. Powerful ito sabi nga nila dahil nag-iiwan ito ng marka at nakaka­panabik.

Para itong cal­ling card na makakapagpaalala sa iyo at makapagpapadala sa ibang lugar at anumang oras. Mayroon din itong apat na klase gaya ng mga sumusunod:

*Eau de Cologne

Ang Eau de Cologne ay tatlo hanggang limang porsiyentong perfume oil sa pinag­halong alcohol at tubig. Mas magaan ito at presko dahil na rin sa sangkap na citrus oil.

*Eau de Toilette

Kumpara sa Eau de Cologne, mas mataas ang porsiyento ng perfume oil sa Eau de Toilette. Ito ay hinalo sa alcohol sa halip na tubig para ito ay mas mabango.
*Eau de Parfum

Ang Eau de Parfum ay hinalo rin sa alcohol kung saan nasa 15-18% ang perfume oil nito.

*Perfume

Kumpara sa tatlo, ang Perfume ay mas matapang at puro dahil 15 hanggang 30 porsiyento ang perfume oil na halo dito.

Mga dapat malaman tungkol sa perfume

Alam n’yo bang ang cologne na naimbento noong ika-18 siglo ay ginagamit na pampaligo at inihahalo sa alak? Bukod dito ay may mga ulat din na isinasama ito sa limpak ng asukal bilang pangmumog.

Ginamit din ito sa medisina bilang panglabatiba at gamot sa mga bukol.

Noong ika-19 siglo ay lumevel up na at nakagawa ng sintetikong mga pabango. Ang unang mga pabango na hindi na angkop gamitin sa paggagamot ay sinimulang ipagbili.

Ang salitang ‘perfume’ sa wikang Ingles ay nagmula sa salitang Latin na ‘per fumum’ na ang ibig sabihin ay ‘sa pamamagitan ng usok.’

Sinasabing ang sinaunang proseso ng paggawa ng pabango ay nagsimula sa pagsunog ng malagkit na dagta at resina para maging insenso sa relihiyosong mga seremonya.

Ang mga sinaunang Egyptian ay gumagamit ng pabango upang gumawa ng mga ritwal ng relihiyon.

Ang unang modernong pabango ay nilikha noong 1370 ni Queen Elizabeth ng Hungary.

Sa ngayon, ang proseso ng paggawa ng pabango ay isang multibilyong-dolyar na negosyo.