MAS matinding pasikatan ang masasaksihan sa Kapamilya ­talent-variety show na I Can Do That nga­yong weekend.

Bukod sa pagla­laban-laban ng pitong natitirang iCandidates sa acts ng kanilang napili ay magiging katapat na rin nila ang kani-kanyang partner.

Kung dati ay kakampi nila ang kasama nilang iCandidate sa act, ngayon ay magiging katunggali na nila ito sa pagkuha ng puntos.

Maapektuhan kaya nito ang pagtutulungang kailangan para gumanda ang kanilang performances?

Magpapabilib sina JC Santos & Gab Valenciano sa rhythmic gymnastics act, sina Arci ­Muñoz & Wacky Kiray sa foot puppet act, at ang trio nina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga & Sue Ramirez sa chair ba­lancing act.

Isang iCandidate na lang din ang tatanghaling winner kada linggo.

Matapos ng lahat ng performances, iboboto ng iCandidates kung sino ang natatanging nangibabaw sa bawat act.

Mula sa mga ito pipiliin ang weekly winner na pagbobotohan ng studio audience.

Noong nakaraang linggo, nagpaalam si Pokwang sa kumpetis­yon matapos niyang mag-volunteer na umalis para maglaan ng mas maraming oras sa kanyang anak.

Ngayong pito na lang sila, ­nananatili pa ring top scorer si ­Daniel.

Maungusan na kaya siya ng iba nga­yong linggo?

Alamin sa I Can Do That nga­yong Sabado at Linggo, 9:45 PM sa ABS-CBN.