ICC walang power sa reklamo ng ‘Pinas vs China

Hinayag ng Internatio­nal Criminal Court (ICC) na wala itong magagawan­g aksiyon hinggil sa reklamo na sinampa nina dating Fo­reign Affairs Secretary Albert del Rosario at ex-Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping at iba pang opisyal nito kaugnay sa diumano’y mga iligal na aktibidad nito sa West Phi­lippine Sea dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Batay sa ulat hinggil sa naging preliminary examination na inilabas kahapon, sinabi ng ICC prosecutor ba wala itong magagawa sa nasabing reklamo kaugnay ng mga diumano’y crimes against humanity na ginawa ng mga opisyal ng China na ginawa sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas,
Noong Mayo 2019 nang sinampa nina Morales at Del Rosario laban sa mga opisyal ng China kaugnay sa mga krimen ng huli na tinawag nitong hindi makatao, sumira sa kalikasan at nakaapekto sa buhay ng mga mangingisdang Pilipino.

Hindi parte ng ICC ang China at noong Marso 2019 ay pormal namang umalis sa international tribunal ang Pilipinas.