Ice na-miss ang erpat na may kanser

NI: RONA RONDA

Labis ang pangungulila ni Ice Seguerra sa kanyang pamilya na nasa United States. Huling kita nito sa kanila ay noon pang March 3. Nang makabalik siya ng Pinas ay ipinatupad na ang enhanced community quarantine.

Nag-aalala siya dahil ang kanyang mga magulang ay higit 70-anyos na ang edad . Nakikipaglaban din ang ama niya sa sakit na cancer.

Nag-open si Ice sa kanyang Instagram, aniya, “Sa mga hindi po nakakaalam, may cancer si daddy. Nagsimula sa prostate kaso nag metastasize sa ibang parts ng bone niya. Okay naman siya. Katatapos lang ng radiation treatment. Naisip ko nga, buti na lang natapos namin yung treatment bago nangyari ang lahat.”

Ikinuwento rin niya ang personal na nangyari sa kanilang pamilya.

Sey niya, “Nagkaroon kami ng family meeting nun sa bahay. Of course, dahil open forum, nagkalabasan ng mga sama ng loob. Masama loob nila sa akin coz I rarely visit. At aminado ako dun. So I changed my ways. I made sure na I’m always in contact with them. Labas kami once or twice a week. Malling lang or kakain sa labas tapos kwentuhan. Simple pero masaya.”

Sa sitwasyon na nangyari, mas naging close sila bilang pamilya. Mas nayayakap na umano niya ang kanyang ina at nakakausap ang ama ng malaliman.

“So yeah, may cancer siya but I think blessing pa rin yun kasi it gave us the gift of appreciating every single day that we get to spend together, every hug, every tawanan, the conversations and most of all ang makahingi ng tawad at makapagpatawad,” ani Ice.

Sa huli, nagpasalamat siya sa kapatid na lalaki na naging ama ng tahanan.