Sa kalagitnaan ng concert mismo ng rapper na si Iggy Azalea ay hinimatay at inatake ng seizure ang backup dancer niya. Nangyari ito sa kaniyang concert sa Janeiro, Brazil.
Pagkalingon ng singer ay nakita na niya ang backup dancer na nakahandusay sa stage floor at nangingisay.
“Someone get a medic up here,” sigaw ng singer pero tuloy pa rin ang performance niya na maya-maya rin ay itinigil na niya dahil huminto na sa pagsayaw ang iba niya pang dancer para sumaklolo.
Marami sa mga fan ang nag-alala sa dancer niya. Nag-post naman siya ng story sa kaniyang Instagram.
Aniya, “Hey guys, Just wanted to let everyone asking know my dancer is OKAY! The light and heat caused her to have a seizure. She is backstage feeling much better.”
May mga netizen naman na nadismaya dahil nagawa pa umano nitong ituloy ang performance niya kahit nahimatay na ang dancer niya.
Depensa naman ni Iggy, “I thought she had just fallen/twisted her ankle. And it may sound harsh but; you keep singing until the music stops & ask for a medic which is what I did.”
Lahat umano sila ay gulat sa pangyayari pero labis na nagpapasalamat na maayos na ang lagay nito ngayon.
Dagdag pa niya, “I know it’s easy to make memes of someone ‘passed out’ but someone having a seizure isn’t funny, it’s really scary!” she added. “So I hope my fans do not repost some of the memes I’m seeing about my dancer.” (Ronaline Avecilla)