Isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary excution ang natagpuan ng isang street sweeper habang naglilinis sa Lungsod ng ­Valenzuela kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Valenzuela­ City Police, ganap umanong alas-siyete ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng street sweeper na si Lorna Bajande sa kahabaan ng Plastic Avenue, Barangay Viente Reales­ ng nasabing lungsod.

Isinalarawan ang biktimang may katamtamang pangangatawan, naka-orange­ na short pants, itim na t-shirt, skin head na buhok at puno ng tattoo ang katawan.

Agad niya itong ipinaalam sa kanilang barangay na siyang humingi ng saklolo sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Ope­ratives (SOCO) ay nakita ang isang tama ng bala sa kaliwang dibdib ng biktima, nakabalot ng packaging tape ang buo nitong mukha at nakagapos ang mga kamay nito.