Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 45-anyos na lalaki na hinihinalang namatay sa sakit sa kalsada sa may panulukan ng Potenciana at Cabildo Sts. Sa Intramuros, Maynila kahapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, alas-sais ng umaga nang makitang walang buhay ni Barangay Kagawad Salbidiya ang biktimang si RodeĀ­rick Mensenares na nakilala sa pamamagitan ng nakitang Bgy. ID at taga 520 Magallanes St. Intramuros, Maynila.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong alas-singko ng umaga na nagkakape sa kanyang tinutulugang sidecar, gayunman, isang oras ang nakalipas nang makita itong hindi na humihinga sa loob sidecar.