Iiwan si Kathryn

tonite-this-is-it-roldan-castro

 

Mukhang may bahid na katotohanan ang chism na cool-off ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

How true na maayos naman ang usapan at kasunduan ng dalawa kung ano ang gagawin nila para sa kanilang love team kahit may pinagdadaanan sila.

May mga alingas­ngas na isang buwan umano maglalagi si DJ sa Nueva Ecija. Posibleng dahil na rin sa pagsuporta sa kandidatura ng kanyang ama (Rommel Padilla).

Pang-iintriga tuloy sa kumpulan ng press, hindi kaya makatagpo roon si DJ ng ipapalit kay Kath?

How true na naki­pag-meeting na rin daw si DJ sa Star Magic sa pagbabagong magaganap sa career niya?

Iiwan din niya si Kathryn dahil may tsismis na sasama siya umano sa isang sitcom.
***

Ryza tanggap ang pagkawala ni Cholo

Tuluyan na ring naka-move on si Ryza Cenon sa hiwalayan nila ni Cholo Barretto.

Sa isang IG post niya ay may hashtag pa siya na single.

Ani Ryza past is past. Focus muna raw siya sa trabaho at pagpipinta.

Naniniwala siya na may dahilan si Lord kung may nawawala man sa buhay niya.

Itinuring niya na normal day ang Araw ng mga Puso kahapon.
***

‘Onanay’ humahataw sa rating

Ikinatuwa ng buong cast ng “Onanay” ang patuloy na pagtangkilik at pagsubaybay ng mga TV viewer sa kanilang programa.

Bukod sa magagan­da at positibong komento ng mga netizen sa bawat episode ay patuloy ang pamamayagpag nito sa TV ratings nationwide. Talagang nabihag na ng serye ang puso ng manonood, damang-dama nila ang bawat eksena at tutok na tutok sila sa kuwento ni Onay (Jo Berry) lalo pa ngayon na lumambot na ang puso ni Natalie (Kate Valdez) sa kanyang ina. Tinawag na rin niya itong “Nanay” kaya naman masayang-masaya si Onay.

Paano tatanggapin ni Helena (Cherie Gil) ang desisyon ni Natalie na sumama na kay Onay? Tuluyan na bang kamumuhian ni Natalie si Helena?
***

8 anak ni Joel Cruz tampok sa ‘Sarap ‘Di Ba?’

#RaisingMyKidsSarapDiBa ang hashtag ngayong Sabado nang umaga sa “Sarap ‘Di Ba?” ng GMA 7. Special guests nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi sina Chef Boy Logro, Sunshine Dizon, Joel Cruz and kids.

Magbibigay ng tips si Sunshine kung paano i-manage ng kanilang mga anak ang responsibilidad sa bahay pati na ang simple kitchen.

Makikita rin ang walong anak ni Joel Cruz sa nasabing show. Tutukan ito bago mag-Eat Bulaga.

Of course, isi-share ni Chef Boy ang February-themed meal recommendation for vie­wers na “Tenderloin and Shrimp Duet.”