Bumalik si Jeron Teng mula hamstring injury, at sinikwat ng ­Alaska ang unang ­panalo sa pang-anim na subok sa PBA Governors Cup.

Naglista ang sopho­more forward ng 18 points, siya, na ­rebound at dalawang assist para tulungan ang Aces sa 78-71 win kontra Rain or Shine nitong Linggo.

“Was it always this hard (to get a win)?” ­bulalas tapos ni Jeff ­Cariaso, nakuha rin ang una niyang ­panalo ­bilang coach sapul ­palitan si Alex Compton nitong Aug. 21.

Nawala ang pasanin sa likod, nalaktawan ang hump. Pero mas matinding pagsubok ang nakaharang sa ­Alaska sa tangkang ­masundan ang panalo.

Ang conference-­leading TNT ang toka ng Aces sa second game mamaya sa Ynares ­Center sa Antipolo.

Walang talo sa anim na laro ang ­KaTropa, ­unang team na ­nakasiguro ng puwesto sa quarterfinals nang ­lusawin ang 19-puntos na pagkakaiwan para nakawan ng panalo ang Meralco 116-113 nitong Sabado. (VE)