Ika-4 utol ni Giannis puntirya ang NBA

Dalawa na ang mga kapatid ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo ang naglalaro na rin sa National Basketball Association (NBA), at posibleng maging tatlo pa sa lalong madaling panahon

Upang paghandaan ang NBA, pinili ni Alex Antetokounmpo na maglaro sa European professional basketball sa susunod na season, lalaktaw sa college basketball.

“I am examining my options, I have a few choices from the States, but I have decided to play in Europe,” saad ni Antetokounmpo sa Eurohoops’ Nikos Varlas.

Nilitanya pa niyang, “I want to become a pro as soon as possible. I was born and raised in Europe, I know European basketball and the best thing for me would be to sign a contract with a European club. I will have to train and compete against grown men, I will experience strong competition and pressure and I will evolve on every level.”

Hinirit ng pinakabatang Antetokounmpo na malaki ang maitutulong sa kanya ang European hoops para mapaghandang ang mas matinding labananan sa US major cage league.

“It will really help me in my plan to prepare myself in the best possible way. So, when I feel ready to take the next step, I will be totally prepared for the NBA,” panapos ni Alex.

Kung makapasok si Alex sa NBA magiging pang-apat na siyang Antetokounmpo.

Bukod kay reigning MBP Giannis, nasa Bucks din si Thanasis Antetokounmpo na naglalaro sa Bucks, at si Kostas Antetokounmpo ay nasa Los Angeles Lakers. (Elech Dawa)