Patay ang isang inmate, na ika-siyam na preso na namatay sa Cavite ngayong taon, matapos umanong makaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Dasmariñas City Custodial Center.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:28 Miyerkoles ng hapon nang makaramdam umano ng hirap sa paghinga si Frederick Loveres, 38, ng South 1, San Marino, Brgy. Salawag, hanggang himatayin ito. Isinugod pa sa ospital si Loveres ngunit dakong alas-singko nang hapon ay namatay.

Ikinulong si Loveres noong Enero 30, 2019 dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.