Ika-pitong rollback: Higit 2 sa diesel, kerosene; 1 sa gasolina

Muling nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis na epektibo ngayong Martes.

Sa ika-pitong sunod na linggo ay nagpatupad ng bawas presyo ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Total, CPI (Caltex), Petro Gazz at PTT Philippines na P1.10 kada litro ng gasolina, P2.30 kada litro ng diesel at P2.10 kada litro ng kerosene epek­tibo ngayong alas-sais nang umaga.

Una nang nagpatupad ng rollback sa mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum Philippines, Seaoil at Jetti sa katulad na ha­laga.