Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga (Mayo 30).
Pinangunahan ng Flying V at Eastern Petroleum ang dagdag presyo na P0.55 kada litro ng gasoline, P0.75 kada litro ng diesel at P0.85 kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-12:01 ng hatinggabi.
Sumunod naman ang kumpanyang Pilipinas Shell, PTT at Seaoil na nagpatupad ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga rin.
Inaasahan namang susunod na maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.