Ikaw ba ‘yung tipo ng babae na hindi makakalabas ng bahay kung walang pahid na lipstick ang labi? ‘Yung tipong aangat sa isang party dahil sa iyong attractive lipstick? Kung ikaw ito, alamin mo kung ano ang sinasabi ng iyong lipstick sa personality mo. Narito ang mga kahulugan ng lipstick shade na napili mo.
1. Red lipstick — Kung red ang bet mong shade, ipinapakita nito ang confidence sa personality mo. Gusto mong maipakita sa mundo na ikaw ay isang powerful na babae. Gustong-gusto mo din ang nakakarinig ng papuri mula sa mga tao. Sa kabila nito ay wala ka namang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba na hindi humahanga sa’yo.
2. Pink lipstick — Kung mahilig ka naman sa pink lipstick, ikaw ay isang adventurous na babae. Gusto mo lagi ang mag-try ng something new. Hindi ka natatakot sumubok sa mga bagay kahit pa alam mong delikado. Para sa’yo, everything is a challenge.
3. Black lipstick — Kung black naman ang gamit mo, hindi ibig sabihin na isa kang witch o may masamang budhi. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi ka mahilig sa atensyon. Tahimik kang tao at mysterious kadalasan.
4. Rainbow lipstick — Kung bet mo naman ang magpaiba-iba ng kulay ng lipstick at pinipili mo ang mga kulay tulad ng dilaw, asul, berde, at kung ano pa man ang maisipan mo, ito ay nagsasabing isa kang creative na babae. Malawak ang iyong imahinasyon.
5. Baby Pink lipstick — Kapag baby pink ang napili mong kulay, ito naman ay sumisimbolo ng iyong pagiging childish. ‘Yung tipong gusto mo pa ring makatanggap ng regalo gaya ng stuffed toys at mga cute stuff.