Ikinaso ng VACC kay PNoy, ampaw-Valte

noynoy-aquino

Handang harapin ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kasong isinampa laban sa kanya ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) kaugnay sa kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine.

Tugon ito ng kampo ng dating Pangulo makaraang maghain ng kasong kriminal sa Department of Justice ang VACC at Vanguard of the Philippine Constitution, Incorporated (VPCI) laban kay Aquino at iba pa.

“Former President Aquino is prepared to answer the baseless allegations made against him.” ayon sa abogado ng dating pangulo na si Atty. Abigail Valte.

Kasong multiple homicide at physical injuries through criminal negligence, graft, technical malversation at violation of the procurement law ang isinampa ng VACC at VPCI laban sa dating Pangulo kasama sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janet Garin, ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health at mga director at opisyal ng Sanofi Pasteur.