Sang-ayon tayo sa direktiba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang weekend sale sa mga shopping malls ngayong nalalapit ang holiday season upang makabawas sa matinding trapiko sa Metro Manila.
Ang kautusan ng MMDA alinsunod sa naging resulta ng pulong ng Department of Transportation-Inter Agency Council for Traffic (DOTr-IACT) sa mga shopping malls owners sa Kalakhang Maynila.
Epektibo ang direktibang ito simula Oktubre 21 ng taong kasalukuyan hanggang Enero 9, 2017.
Ibig sabihin sakaling magpatupad ng sale ang mga shopping malls ay magaganap lamang ito tuwing weekdays Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.
Bukod sa pagbabawal na mag-sale tuwing weekends ay napagdesisyunan din na magiging tuwing alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi simula Nobyembre 1, 2016 hanggang Enero 9, 2017 ang operasyon ng mga malls na isa ring nakitang opsyon para mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko.
Hindi na bago ang direktibang ito ng MMDA dahil maraming beses na itong ipinatupad ng mga nagdaang administrasyon pero wala pa ring benepisyong hatid sa mga motorista at sa publiko.
Kaya ang aming tanong, wala na bang iba pang ideya ang DOTr at MMDA para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko?
Noong bagong upo ang DOTr ay napakaraming ideyang nais ipatupad ng tanggapan pero nakakalungkot dahil inabot na ang gobyernong Duterte ng 100-araw sa tungkulin ay wala pa ring maramdaman ang publiko na ginhawa sa pagbibiyahe sa halip ay lumala pa nang todo ang dinaranas na trapiko ng publiko.
Ang sa amin, nasaan na ang mga sariwang ideya dati ng DOTr na halos ikaluwa nga ng mata ng publiko sa ganda?
Hindi naman sana puro ngawa lang ito dahil hindi ganito si Pangulong Rodrigo Duterte na naramdaman natin sa kanyang unang 100-araw sa poder sa dami ng naging accomplishment sa peace and order ng ating bansa.
d p kc binibigay ang emergency power n hinihingi kaya hindi makaporma ang DOTR