ILABAS ANG PANGIL!

nu-ladybulldogs

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
8:00 a.m. — UP vs. DLSU (m)
10:00 a.m. — Ateneo vs. FEU (m)
2:00 p.m. — NU vs. Adamson (w)
4:00 p.m. — DLSU vs. FEU (w)

Kumpiyansa ang National University na makiki­pagtuos sa naghihingalong Adamson U sa UAAP Season 79 women’s volleyball sa The Arena sa San Juan ngayon.

Tinapos na ng Lady Bulldogs ang three-game ­losing streak nang kagatin ang University of the Philippines 25-23, 25-17, 22-25, 18-25, 15-12 noong Linggo.

Angat ang NU sa 4-3 katabla ang UP, FEU at UST.

“Psychologically, maganda-ganda but we have to be a different team on the second round,” saad ni Lady Bulldogs coach Roger Gorayeb. “Masyadong critical na ‘yan we cannot be lacking sa emotions ­namin.”

Sa kabila ng panalo ay hinimok ni Gorayeb ang mga bataan na ilabas pa ang pangil at mas taasan pa ang laro kung nais nilang makapasok sa Finals.

“We have to fight with intensity, aggressiveness, with conviction, ‘yan kailangan namin ‘yan,” pahayag­ ng beteranong coach. “We should be a different team if we really want to go to the Finals.”

Nanguna sa MVP race si NU middle blocker Jaja Santiago pero agad na ipinaliwanag ni Gora­yeb na hindi kaila­ngan na si Santiago­ lang ang kikilos para sa NU.

Lahat daw sila sa team ay dapat mag-­inspire sa isa’t isa para makuha ang tagumpay.

Samantala, naging mapait ang weekend ng La Salle at FEU na parehong talo.

Hindi nakaporma ang Lady Spikers sa Ateneo at nag-collapse 26-24, 26-24, 21-25, 25-17 noong Sabado.

Ganoon din ang nangyari sa FEU na yumuko sa UST 25-16, 21-25, 26-24, 25-20.

Magpapasiklaban sina Kim Dy, Majoy Baron, Ernestine Tiamzon at Aduke Ogunsanya ng La Salle­ kontra kina Bernadeth Pons, Remy Palma at Toni Basas ng FEU. ()