Matapos sibakin si Labor Undersecretary Joel Maglunsod, si dating Gabriela Rep. Luz Ilagan na kasalukuyang Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabilang sa natitirang progresibong opisyal sa ilalim ng gobyernong Duterte ang posibleng isunod na rin umanong mapapagpag.
Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, hindi malayong tanggalin na rin si Ilagan.
“Personal na desisyon ‘yun ni former Congresswoman Luz Ilagan kung magre-resign siya sa Duterte administration. Puwede (tatanggalin din si Usec. Ilagan tumatayming lang si PDu30) kasi nga si Usec. Maglunsod ay tinanggal na n’ya baka dumating din ang pagkakataon na may gawin ding ganun.
Iginiit naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na hindi naman krimen na maituturing kung progresibo ang prinsipyo ng isang tao.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ay umamin na makakaliwa.