Hindi biro ang pagbubuntis. Nakataya hindi lang ang buhay ng ina kundi maging ang sanggol na kanyang dinadala.
Dahil dito’y ibayong pag-iingat ang kailangang gawin. Sa panayam ng Abante sa isang ob-gyn, ilan sa ipinagbabawal at dapat iwasan ng mga ginang na nagdadalang-tao ay ang mga sumusunod:
Sobrang caffeine
Alalay muna sa pag-inom ng kape dahil ang sobrang pag-inom nito ay nakakapagtulak din para bumilis ang heart rate at tumaas ang blood pressure.
Pills, lotion
Maraming mga misis ngayon ang conscious sa balat. Nagbabago ang hormone levels kapag buntis kaya iwasan munang gumamit ng tanning lotion, pills o whitening products.
Hair products
Bagama’t may ilang pampakulay na ngayon ng buhok na ligtas gamitin para sa mga buntis, mapanganib pa rin aniya ang ilan dahil na rin sa nakahalong matataas na chemical substance.
Toxic substances
Gaya ng pintura, mothballs, toilet deodorants at iba pang mga household chemical na may matatapang na toxic substances.
Sobrang exercise
Hindi masamang mag-exercise ang nagdadalang-tao ngunit kailangang moderate lamang ito at kailangang komunsulta muna sa doktor para matiyak kung ano ang nakakasama at nakakatulong na ehersisyo.
X-ray
Iwasang magpa x-ray dahil may kaakibat na panganib sa ina at baby ang labis na exposure sa radiation. (ME)