Pinaalalahanan ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga mamamayan na nakatira sa mga lugar ng Albay, Sorsogon, Masbate at Ca­tanduanes na mataas ang posibilidad ng pag-ulan sa mga nasabing lugar.

Makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang ilang mga bahagi ng Albay, Sorsogon at Masbate habang ang Catanduanes naman ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at minsang paglakas.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa Biliran at iba pang lugar na malapit sa mga munisipalidad ng Leyte tulad ng Babat­ngon, Lungsod ng Tacloban, Burugo, Jaro, Carigara, Capoocan, Leyte, Calubian, Sta. Fe, San Miguel, Alang-alang, Tunga, San Isidro, Palo at Pastrana.

Asahan naman na makakaranas ng thunderstorms ang lugar ng Batangas, Cavite, Zambales, Laguna, Bataan, ilang lugar sa Probinsiya ng Quezon at mga nalalabing bahagi ng Luzon.