Ilang DFA consular office binuksan

Binuksan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang ilang consular office nito sa mga lalawigan sa bansa.

Kabilang dito ang mga DFA consular office sa Cotabato, La Union, Puerto Princesa, Santiago at Tuguegarao sa Cagayan.

Ang ibang consular office ay mananatiling sarado hanggang matapos ang pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mananatiling bukas naman ang mga konsulada sa Visayas at Mindanao kabilang ang probinsiya ng Butuan, Dumaguete , General Santos City, Tacloban City at Clarin, Misamis Occidental.

Ipaiiral naman ang skeletal workforce ng consular office service sa Visayas at Mindanao. (Otto Osorio)