May ilang bahay umanong nasunog matapos ang inilunsad na airstrikes sa tatlong barangay sa Marawi City.

Ang surgical airstrikes ay inumpisahan kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para­ atakehin at pulbusin ang nasa 30 hanggang 40 pang natitirang terorista na kasapi sa Maute Group bilang bahagi ng ikatlong araw na pinatinding ope­rasyon sa lugar.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar­ Herrera, spokesperson ng AFP, 1st Infantry Division, “very deliberate, very precise” ang pagpapasabog na inilunsad kahapon sa mga Barangay ng Gadongan, Basak Malutlut at Bangon para sa pagtaboy at pagsugpo ng Maute Group sa lugar.

“We are conducting clearing operations in three barangay. We have sightings of the remnants of the local terrorist group,” ­pahayag ni Herrera.

Gayunpaman, may mga ulat na nadamay sa airstrikes ang ilang kabahayan bandang hapon partikular umano sa Barangay Batac, Marawi City.