Sa nakalipas na linggo, umugong ang balita hinggil sa paglikas sa mga Pilipino na gustong umuwi sa bansa mula sa Wuhan, China na sentro ng 2019 novel coronavirus (nCoV) at sa pagdadalhan sa kanila para sumailalim sa 14 araw na quarantine period.
Iba’t ibang lugar ang lumutang pero sa huli, napili ng Department of Health (DOH) na gamitin ang Athlete’s Village ng New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ginastusan ito ng P10 bilyon ng Bases Conversion Development (BCDA) na pinamumunuan ni Vince Dizon, at pinagtayuan ng kontrobersyal na P55 milyong kaldero na ginamit para sa Southeast Asian Games na inorganisa ni House Speaker Alan Cayetano. Gayunman, hindi ito sinang-ayunan ng mga residente ng lugar.
Kinalap ng Abante ang reaksyon ng ilang residente, ayon kay Rufo Cabigting, “Napakagandang lugar, sino ang magre-rent ngayon niyan? Sir Dizon bakit naman ganoon?…‘yung lupa namin dyan kinuha sapilitan, bawat isang hektarya P300,000. Kaya masakit ang loob namin.”
Sabi pa ng isang residente, “Okay lang naman…andiyan na ‘yan ‘di na mapipigilan siguro secure na lang kailangan para sa mga tao.”
Panoorin ang buong panayam ng Abante Digital sa aming YouTube channel at Facebook account.