Sisimulan na ng Austria ang pagsasagawa ng ilang laro gaya ng tennis, golf at ibang social-distancing-friendly sports sa Mayo 1 matapos ang pagluluwag na sa coronavirus disease 2019 lockdown.

Unang umaksiyon ang Alpine republic sa pagpigil sa outbreak sa pagsasara sa mga restaurant, bar, theatre, school, non-essential shop at iba pang lugar na dinadayo apat na linggo na ang nakalilipas.

Sinabihan ang publiko manatili lang sa kanilang mga bahay at magtrabaho hanggang kaya.

Kaiba ito sa ibang bansa na ang publiko ay nananatiling libre na makapag-exercise tulad ng jogging, cycling hanggang p[inairal ang social distancing rules.

“Of course, individual sports where there is no immediate contact will be given priority more quickly over team sports where contact is generally unavoidable, or contact sports,” esplika ni Vice Chancellor Werner Kogler, na siya ring sports minister.

Inihayag din niya na ang mga outdoor facility ay hindi na off-limits sa publiko tulad ng athletics tracks, tennis courts, golf courses, equestrian centres, shooting ranges at archery ranges.

Iniulat sa Austria ang pagkamatay ng 393 katao sa coronavirus na mas kaunti sa hambing sa kalapit na bansa sa Europe. Umabot naman sa 14,000 ang confirmed cases.

Balik na ang 600 nitong top athletes sa training, kabilang sa indoor, pero ipatutupad pa rin ang body distancing. (Lito Oredo)