May 3 elimination/4-Cock Derby ngayon sa Del Monte Cockpit Arena, baka gusto ninyong magtrabisya. Puntahan niyo na mga kasabong.

Masaya ba kayo mga kasabong noong Pasko? Ilang tulog na lang at Bagong Taon na.

Paalala lang, ilagay ninyo sa safe na lugar ang mga manok ninyo at baka maputukan ‘yan o makatuka ng pa­putok. Siguradong ngangawa kayo sa pang­hihinayang, hehehe.

***

Halos tatlong linggo na lang at ilalarga na ang 9th World Gamefowl Expo sa World Trade Center sa ­Pasay City kaya naman ang daming mga nagtatanong sa website kung sino-sino ang mga dadalo at mga sikat na sabungerong inimbitahan sa nasabing three-day event.

Mga klasmeyt, hindi na kailangang alamin dahil paniguradong mga sikat ang mga nandoon. Ang gawin ninyo ay mag-ipon hangga’t maaga at baka may makursunadahan kayo eh may pambili ta­yong quality na manok-­panabong o pang-breed natin.

Kaya tandaan ninyo ang Enero 18, 19 at 20, huwag nating palampasin ang pagkakataon. Malay mo, manalo ka sa raffle, eh ‘di nagkaroon ka pa ng mamahaling manok.

Tinitiyak ko sa inyo na masisiyahan kayo kaya pasyal tayo at magkita-kita sa World Gamefowl Expo.

Elech Dawa