Ildefonso, Bulldogs sasagpangin ang Falcons

Ildefonso, Bulldogs sasagpangin ang Falcons

STANDINGS
TEAMS W L
ADMU 9 0
UP 5 3
UST 5 4
DLSU 4 4
FEU 4 5
ADU 3 6
UE 3 6
NU 2 7

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena, Pasay)
2:00 pm – ADU vs NU
4:00 pm – UP vs UE

Raratsadang muli si Sean Dave Ildefonso at ang National University Bulldogs Sabado kontra first round tormentor Adamson Soaring Falcons sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2nd round elims Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Galing sa paglapa sa Far Eatsern Tamaraws Miyerkoles, 85-79, itutuloy ng nasa ilalim na NU (2-7) ang ratsada kontra nasa ikaanim, pero lugmok sa nakaraang apat na larong ADU (3-6) sa alas-dos ng hapon.

Pinamunuan nang nakababatang Ildefonso ang Bustillos-based squad sa pagsakmal sa Tams sa kinulyar na 27 points at 11 rebounds. Nagdag ng 16 at 15 markers sina Issa Gaye at John Lloyd Clemente.

“Siguro hangga’t may laro pa kami, lalaban lang talaga kami. ‘Yun rin sabi ni coach Jamike (Michael Ray Jarin), laban lang,” ani team captain Shaun Danielle Ildefonso, na gustong ibawi ang 84-83 loss nitong Setyembre 7. (Janiel Abby Toralba)