Ildefonso, Clarin lingkisan sa ECQ

Sana All.

Ganito ang naiisip ng mga bitter at loveless sa namamagitan ngayon sa magdyowang National University student-athlete na sina Shaun Ildefonso at Camille Clarin.

Sa nilantad na Instagram story ni Shaun (@shaunildefonso), naging daan pa ang enhanced community quarantine ng COVID-19 para lalong lumalim at tumibay ang relasyon ng dalawang basketbolista kung saan habang nagba-bonding ay dibdiban din sa practice ng drilling skills.

Kahit sa mga nakalipas na linggo nilang post, parang mga ahas ang mga ito na magkalingkis at tila ayaw nang maghiwalay sa kabila ng global outbreak.

Naglalaro ngayon ang 22-year-old, 6-foot-2 forward na si Ildefonso sa Bustillos-based NU Bulldogs iniwan ng batang kapatid na si Sean Dave na bumalik-Ateneo Blue Eagles.

Habang kasapi rin ang 18-anyos, may taas na 5-10 at Fil-Canadian na si Clarin ng nakabase rin sa Sampaloc na Lady Bulldogs, na dumale ng 6th straight University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s hoop title noong Nobyembre. (Aivan Denzel Episcope)