Dahil sa paninita ng isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer kay dating PBA player Danny Ildefonso, nagkasagutan ang dalawa sa tapat ng isang unibersidad sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Ba­lita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, pinagsabihan umano ng enforcer si Ildefonso dahil sa iligal na pag-park sa tapat ng National University sa Sampaloc, Maynila kung saan tumatayong assistant coach ng men’s basketball ang dating manlalaro.

Ngunit paliwanag ni Ildefonso, hinamon umano siya ng suntukan ng traffic enforcer, samantalang dumepensa naman ang MMDA personnel na sinabing inangasan aniya siya ng two-time PBA MVP.

Suot pa ni Ildefonso ang t-shirt ng Bulldogs, makikitang pumagitna si MMDA operations supervisor Bong Nebrija para matigil na ang bangayan.

Ang ending, nakatanggap ng tiket si Ildefonso habang nileksyunan naman ni Nebrija ang kanyang tauhan.