Nasakote ng pulisya ang isang kolorum na pagawaan ng paputok nang maaktuhan sa kasagsagan ng kanilang produksiyon sa Bocaue, Bulacan.
Kinilala ng Bocaue Police ang naarestong suspek na si Ronnie Babia, 39-anyos, ng Brgy. Duhat na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7183 dahil sa iligal na paggawa ng paputok at pailaw.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa iligal na pagawaan ng paputok malapit sa isang resort sa nasabing barangay. Matapos nito ay mabilis na rumesponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakahuli kay Babia, habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan.
Nakuha sa pagawaan ng paputok ang iba’t ibang uri ng paputok, pailaw at kemikal sa paggawa nito na umabot sa halagang P26,000 habang tinutugis na ng pulisya ang mga nakatakas na kasamahan ni Babia.