Sinalakay ng awtoridad ang isang refilling station ng liquefied petroleum gas (LPG) na iligal umanong nagsasagawa ng operasyon sa Caloocan City.

Ganap na alas-7:30 ng gabi nang i-raid ng mga tauhan ng Special Operation Unit ng Northern Police District ang Zach Marketing na matatagpuan sa Tu­lingan St., Brgy. 14 sa bisa ng search warrant.

Naabutan dito ang kahera na si Mariecon Balicao, 19, at drayber na si Elimar Mateo, 29. Nakumpiska naman ang anim na pirasong tig-11 kilogram na LPG cylinders, Isuzu Elf van na gamit sa pag-deliver at isang log book ng operasyon ng kompanya.

Mahaharap ang nasabing kompanya sa kasong paglabag sa Section 168 o Unfair competition ng Republic Act 8293 o Intellectual Pro­perty Code of the Philippines.