Nagkadamay-damay sa pagkastigo ng Office of the Ombudsman ang isang kongresista ng Iligan gayundin ang dating mayor at 11 dating konsehal dito dahil sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Napatunayang guilty ng Ombudsman sina incumbent Iligan Rep. Frederick Siao, dating Mayor Lawrence Cruz at 11 dating konsehal na sina RudeĀ­ric Marzo, Providencio Abragan Jr., Moises Dalisay Jr., Riza Jane Magaro, Jose Zalsos, Marlene Young, Ariel Angbay, Michelle Sweet Booc, Bayani Areola, Roy Openiano at Eulalio Gaite.

Nabatid na si Cruz at ang 11 dating konsehal ay inireklamo ng city administrator na si Dexter Sumaoy noong 2014 matapos upahan ang isang property nang hindi dumaan sa kaukulang public bidding.

Sa inilabas na kautusan ng Ombudsman noong Hunyo 13, 2016 na isinapubliko kamakailan lamang, pinatawan ang mga ito ng parusang dismissal sa serbisyo (with the accessory penalties of perpetual disqualification from holding office) at pagbawi sa retirement benefits at iba pa.

Maghahain naman umano ng motion for reconsideration ang mga akusado at iginiit na hindi na kailangang idaan sa public bidding ang pagrenta ng isang private real estate.