Illegal drug campaign sa Bulacan kumalma

Mistulang kumalma ang maigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa droga makaraang dumalang ang kanilang napapaslang na shabu pusher at  kaunti na rin ang kanilang nahuhuling tulak at drug addict bagama’t umabot na sa 16 na tulak ang napaslang ngayong buwan ng Setyembre ngunit mas mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE,mas tinututukan ngayon ng kapulisan sa Bulacan ang pagbabantay sa mga vital installations para hindi maisahan ng mga teroristang posibleng maghasik ng kaguluhan tulad ng naganap sa Davao bombing kamakailan at matindi din ang police visibility sa mga pangunahing lansangan ngunit umabot din sa labing-anim na pusher ang naitumba sa mga buy-bust operation ngayong Setyembre.

Nakumpirma ding patuloy ang Oplan Tokhang ng Bulacan PNP sa halos lahat na ng 569 barangay sa Bulacan at libu-libong drug pusher at user na ang sumuko sa awtoridad para magbagong-buhay at maging ang mga malalayong isla sa coastal town sa probinsya ay pinupuntahan ng kapulisan.