Nasabat ng pulisya ang nasa 79 piraso ng kahoy sa North Upi, Maguindanao noong Sabado.

Sa naantalang report na ipinarating ng North Upi Municipal Police sa Camp Crame, bandang alas-singko ng hapon noong Sabado nang makatanggap ng impormasyon na mayroong nagaganap na illegal logging activity sa bahagi ng Barangay Kibucay, North Upi.

Nang nagtungo ang mga pulis sa lugar, naaktuhan umanong ikinakarga sa isang pick-up truck ang abot sa 79 na piraso ng kahoy.

Inaalam pa ng pulisya ang itinuturong may-ari umano ng mga kahoy na kinilala sa mga pangalang Evangeline, Rommel, at Alfonso na wala umanong maipakitang papeles.