Illegal recruiter kinuyog sa Laguna

Matitinding sampal at sabunot ang inabot ng babaeng umano’y illegal recruiter mula sa mga na­ging biktima nito nang magkaharap ang mga ito sa police station sa Biñan City, Laguna kamakalawa.

Walang nagawa ang suspek na si Nancy Anir nang pagtulong-tulungan itong kuyugin ng mga galit na biktima.

Ayon sa isang biktima, hiningan sila ng nasa higit P100,000 bawat isa para sa alok na trabaho sa isang farm sa Korea. Bukod pa dito ang bina­yad umano para sa visa at immigration.

Pero ang mga nabiktima, kung hindi nakaalis sa bansa ay na-deport naman sa Korea matapos mabuko na peke ang mga dokumento.

Nabatid na may 16 na warrant of arrest si Anir kaugnay ng kasong estafa at illegal recuitment. Natunton ito sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Zapote.
Iniimbestigahan na kung may iba pang kasabwat ang suspek. (Ronilo Dagos)