Pabor ang isang obispo na ideklarang heinous crime ang illegal recruitment na isinasagawa ng mga sindikato ng human trafficking na nambibiktima ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrant and Itinerant People, kailangang kilalanin ang human trafficking at illegal recruitment bilang heinous crime na sinumang gagawa nito ay paparusahan ng habambuhay na pagkakabilanggo at pagkumpiska ng kanilang ari-arian na ipantutulong sa kanilang mga nabiktima.
Hiling ng nasabing obispo na ipalaganap ang “awareness” ng mga tao ukol sa illegal recruiters kasabay ng pagbibigay ng pabuyang P50,000 cash reward ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga concerned citizen na magsusumbong tungkol sa nagaganap na illegal recruitment na hahantong sa pagkakadakip sa mga illegal recruiter.
“Palakasin ang awareness ng mga tao at huwag silang sasama, sasali at magpapaloko sa mga illegal recruitment. Maganda na merong premyo o pabuya pero kahit walang pabuya dapat awareness na natin at ating lamang programa na hulihin, hanapin pananagutin at parusahan ng mabigat,” giit pa ni Bishop Santos.
Kung ma aaprubahan ang death penalty, heinous crime ang isang kasalanan na maaaring tamaan ng parusang bitay. Kung gagawing heinous crime ang illegal recruitment, pag nagkataon, mabibitay ang mga illegal recruiters na ito. Di, parang Simbahan na rin ang nagpataw ng parusang kamatayan sa ma taong ito. Paano na yan?